e.g. Issue 5: "Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada/Legends of Sagrada" | Alvin Yapan, Christian Benitez, and Czar Kristoff J.P.
Issue 5 of e.g. journal explores the otherworldly town of Sagrada, a place haunted by death and the unknown.
“. . . [H]ands covering bleeding ears, backs that couldn’t flee from whippings, sexes shat on, necks strangled by ropes, noses long numbed by the smell of corpses rotting . . .” Alvin Yapan’s story is visceral, corporeal, sensorial even, and yet somehow amid such earthliness, the story is distinctly otherworldly. Yapan’s corporeality is a guide through reality, assuring the narrator and reader alike that something really is out there—that we really are here. This also relates to the sensorial “madness” of Wilfrido Nolledo’s But for the Lovers, which transcends linear temporality and which in its attempts to fix itself so solidly to the ground only floats further from it.
Perhaps this is also a productive way to discuss the act of translation itself, which this issue of e.g. journal centers. Christian Benitez’s English translation of Yapan’s original Tagalog work must safely transport a body from one world to another, maintaining its basic truth, effect, character, and integrity, while appearing in a form completely other but recognizably unitary. Czar Kristoff, who hails from Bicol and currently lives in Laguna, is this issue’s featured artist. His works hover over and between planes—lapping memory and portent, the unnatural and the quotidian. “He was beginning to eat flowers, and the crescent moon was in his eyes when he awoke again.” —Wilfrido D. Nolledo
—Nicole CuUnjieng Aboitiz, Editor
“Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada” was a writing exercise that informed my approach for my first novel, Ang Sandali ng mga Mata. In this historical novel about three generations of the Nueva family in the Bicol region, I aimed to capture the sense and feeling of “epic time.” By “epic time,” I mean the sweeping narrative that spans significant periods, drawing parallels and highlighting repetitive patterns from pre-colonial Bikol to post-EDSA Manila. Given the scope of historical time and the parallels I aim to draw, I sought a strategy to balance the plot’s breadth with the psychological depth of the characters. I wanted readers to empathize with my characters despite the vast temporal distance covered in the narrative.
The narrative design draws on the Bikol epic Ibalon as a template for understanding the repetitive history of the Nueva family and the nation. In Ibalon, we hear the adventures of the three heroes, Baltog, Handiong, and Bantong, though their motivations and drives remain largely unexplored, which in the epic is inevitable and even necessary as they are Jungian vessels of a community’s value system. While my characters, Selya, Nene, and Boboy, correspond to these epic figures, I aimed to lend them psychological depth. This presented a challenge: reconciling the epic’s communal nature with the novel’s individualistic identity, a tension noted by György Lukács and Mikhail Bakhtin. However, Resil Mojares’s study of the Filipino novel suggests a continuous generic history between the epic and the novel in Philippine literature.
Given the project’s ambition, I began with a short story, “Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada.” Writing this story led me to a synecdochic technique: using parts of the body as emotive links between characters across generations and worlds. The eyes of contemporary characters become the eyes of epic heroes; the tactile experiences of the legs and feet of mothers are repeated in their daughters. I rehashed some portions of this short story in “Ang Ulan ng mga Bala,” chapter 10 of Ang Sandali ng mga Mata. This technique, relying on metonymic links rather than metaphors, which would sometimes deteriorate into analogies and symbolic representations, allowed me to explore the narrative more freely. I can only hope that I succeeded in capturing the weight and feel of “epic time” in Ang Sandali ng mga Mata.
—Alvin Yapan

I began translating Alvin Yapan’s Ang Sandali ng Mga Mata (ADMU Press, 2006), which I would eventually call Time of the Eye, in early 2024, more than a year since I moved to Bangkok, Thailand, to pursue my PhD. By then, I thought I could finally try translating Yapan’s work. I already tried doing so before, even completing two of his short stories and a couple of chapters from his sophomore novel Sambahin ang Katawan (TAPAT, 2011), but for some reason, I hesitated for so long from even attempting to translate Sandali simply because I knew how difficult the task would be. At the time, however, I felt that I’ve had a considerable growth as a translator not only because of my recent translation of Jaya Jacobo’s Arasahas: Poems from the Tropics (PAWA Press and Paloma Press, 2024); but also because I’ve developed a new relationship with the English language, which I had to primarily use, being in another country whose vernacular I could barely speak.
“Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada,” translated here as “Legends of Sagrada,” is an early version of Sandali. In Yapan’s words, it is a finger exercise from which the novel eventually emerged. By the time I translated the short story, I had finished drafting more than half of Time. And so, working on “Legends” came quite naturally, as I’ve become mostly familiar with Yapan’s prose, which is often entangled but consistently sings—a quality I always aim to evoke, or at least to provide an analog for, in my translation of his work. In “Legends,” as in most of the translations I do, as much as I tried following the syntax and sentence order in the original, I also deliberately played with them every so often to hopefully produce a certain music in the English translation.
—Christian Benitez
Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada
Naniniwala ako noon sa mga alamat, na may katumbas na paliwanag sa pinagmulan ng bawat bagay sa paligid natin. Ngunit nagbago ang lahat ng ito nang minsang mapadaan ako sa Bayan ng Sagrada. Naitanong ko so kanila noon kung saan nanggaling ang pangalan ng bayan. Kuwento nila, noong panahon ng Kastila, ang Sagrada Familia ang ibinigay na pangalan sa kanilang lugar. Ngunit dahil mahabang bigkasin ang Sagrada Familia, kinaltas na lamang ang Familia sa pagdaan ng panahon. Doon daw nanggaling ang kanilang pangalan. Kahit wala naman daw talagang sagrada sa kanilang bayan.
Sa bayang ito ko nakilala si Miguel. Nakita ko siya sa harap ng Kolehiyo ng Lourdes na nasa tabi lamang ng highway, na humihiwalay dito sa kaharap na sementeryo sa puso ng Bayan ng Sagrada. Sumisigaw noon si Miguel, pinangangaralan ang mga taong patuloy lamang sa pagdaan sa harap niya. Pinakinggan ko ang kaniyang pangangaral, palibhasa’y hindi pa manhid ang tenga ko sa mga sigaw niya.
Nakita na raw niya si Sita. Mag-iingat daw sa paglalakad at baka matapakan ang mga kamay at paa ng mga taong wala namang nakakakita maliban sa kaniya. Sari-saring amoy at tunog rin ang nalalanghap at naririnig ni Miguel sa hanging walang sinumang nagtatangkang sumagap dahil sa dalang makapal na usok ng mga nagdaraang bus at dyip. Sari-saring pangitain ang nakikita niya sa kolehiyong punong-puno ng mga nag-aaral na estudyante.
Ginawan na lamang ng alamat ng mga taga-Sagrada ang kabaliwan ni Miguel gayong hindi naman nila ito maintindihan. Papatapos na raw sa kolehiyo si Miguel bilang inhinyero nang mabaliw. Hindi natanggap ng mga magulang nito ang kinasapitan ng kaisa-isang anak. Mayaman silang pamilya. May-kaya lamang ang nakapagpapaaral ng anak sa Kolehiyo ng Lourdes na pagmamay-ari ng mga madre. Sa pagkabaliw ni Miguel, tiyak mamamatay ang pangalan ng kanilang angkan. Hindi naharap ng mga magulang ni Miguel ang takot na nananalaytay sa dugo nila ang sumpa ng kabaliwan. Iniwan nila ang Bayan ng Sagrada. Iniwan nila si Miguel na sumisigaw sa harap ng Kolehiyo ng Lourdes. Ipinamana na lamang sa Bayan ng Sagrada ang mansiong ngayo’y kinatatakutan at pinamumugaran ng mga multo. Nakulong sa panahon ng Kastila ang mansiong ito: mga kapis na bintana, de-balustreng balkonahe, mga narrang pinto at hagdang tumutuloy sa ikalawang palapag. Malawak ang bakuran na ngayo’y punong-puno na ng mga talahib na walang tigil sa pagyuko’t pagsamba sa matandang mansion.
Nang kupkupin ni Juanito ang baliw na binata sa bahay-bahayan niya sa likod ng kolehiyo, lalong napagtibay ng mga taga-Sagrada ang paghihinalang ang diyanitor ang may kasalanan sa lahat ng nangyari kay Miguel. Si Juanito ang sumagip kay Miguel sa unang araw ng pagkabaliw niya. Tumakbo si Miguel sa gitna ng highway; balak harangin ang rumaragasang pampasaherong bus na papauwi galing sa Maynila. Paliwanag ni Miguel, pagkatapos silang sagipin ni Juanito, na masasagasaan daw kasi ng bus ang mag-anak na nakalupaypay sa gitna ng highway. Humagulgol si Miguel at pinagalitan si Juanito dahil hinayaan nitong magkalasog-lasog ang mga katawan ng mag-anak.
Magmula noon, ang bahay-bahayan na ni Juanito ang naging mansion ni Miguel. Hindi naman tumutol ang mga madre. Ipinagpaalam lamang ni Juanito sa mga madre ang paninirahan doon ni Miguel. Idinahilan nito ang kaniyang katandaan. Nangangailangan na raw siya ng katulong bilang tagalinis ng kolehiyo sa umaga, tagabantay sa gabi, at bilang katiwala ng mga madreng nakatira sa hiwalay at tagong lugar sa Bayan ng Sagrada ang makapanalangin daw sila nang mapayapa. Hindi naman daw nanggugulo si Miguel. Puwede namang pabayaan at huwag na lamang pansinin ang mga pangangaral nitong hindi naman kasintindi ng sermon ng kura paroko ng Bayan ng Sagrada.
Hindi nagtagal, nakita na ng buong bayan na tumutulong na si Miguel sa mga gawain ni Juanito. Iniipon niya ang mga tuyong dahon sa bakuran ng kolehiyo, saka sinisigaan. Pinakikintab niya ang pasilyo ng mga gusali ng kolehiyo. Kapag uwian na, katulong naman siya ni Juanito sa pagbubura ng mga pisara at pag-aayos ng mga silya. Higit sa lahat ng gawaing ito’y ang paglilinis niya ng grotto ng kolehiyo. May dumadaloy itong tubig mula sa gripong nakatago sa likod ng santang nakakubli sa loob ng sementong kuweba. Dumadaan ang tubig sa paanan ng kuweba kung saan nakaluhod ang isa pang Santa, saka tumutuloy sa artipisyal na palaisdaan na nilalanguyan ng mga isdang napakagagara ng palikpik at napakatitingkad ng kulay ngunit hindi naman napakikinabangan bilang pagkain. Araw-araw na dinadalaw ni Miguel ang grotto upang alisin ang mga dahong nalalaglag sa tubig. Tinitiyak niyang maayos at tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig mula sa likod ng Santa patungo sa mga isda. Kapag natapos na ang lahat ng gawain ni Miguel sa kolehiyo, nakikita siyang palakad-lakad sa tabi ng highway na parang hindi makapagpasya kung tatawid papunta sa sementeryo o papasok sa kolehiyo. Pinangangaralan niya ang nagdaraang mga mag-aaral at dumadaan na mag-iingat sa kanilang paglalakad.
Magkahalong buntong-hininga at awa ang reaksiyon ng Bayan ng Sagrada sa pagkabaliw ni Miguel. Kahit papaano raw, natigil na rin ang patayan sa kanilang Bayan ng Sagrada. Si Miguel ang huling biktima ni Juanito sa paghihiganti nito sa bayan. Labis daw na trahedya ang dumapong parang sakit sa buhay ng matandang diyanitor. Kapwa namatay ang asawa’t kaisa-isang anak nito. Ni hindi raw alam ng diyanitor kung saan nakalibing ang kaniyang asawa dahil tuwing Todos los Santos, palakad-lakad ito sa masisikip na pasilyo ng sementeryong punong-puno ng mga taong nag-iinuman at naghahalakhakan, naghahanap ng lugar na mapagtitirikan ng kandila para sa kaniyang asawa sa ibabaw ng mga hinawing damo at itinambak na lantang mga bulaklak. Pati raw ang lupang pagmamay-ari nito ay kinamkam ng mga madre upang mapagtayuan ng Kolehiyo ng Lourdes. Tinira na lamang sa kaniya ang kakapiranggot na lupang kinatitirikan ngayon ng kaniyang bahay-bahayan at ginawa siyang diyanitor ng kolehiyo.
Mangkukulam daw kasi dati ang matandang diyanitor. Ipinambayad niya ang kaniyang asawa at anak sa kasalanan ng paggamit ng itim na kapangyarihan. Ngunit sa halip na magsisi, naghiganti siya sa mga taga-Sagrada. Kumukuha raw ang diyanitor ng isang bata, binatilyo man o dalagita, taon-taon mula sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Lourdes upang magsilbing kapalit ng asawa’t anak bilang kasama sa bahay-bahayan niya. Pinapatay niya ang mga bata at itinatapon ang bangkay sa sementeryo ng bayan. Taunan ang pagpatay dahil isang taon lamang maaaring manatili ang kaluluwa ng tao sa lupa. Sa loob ng isang taon, ikinukulong ng diyanitor ang kaluluwa ng kaawa-awang bata sa bahay-bahayan niya. Kapag hindi na niya mapigilan ang pag-akyat ng kaluluwa sa langit, mag-iisa na namang muli ang matandang diyanitor at muli na namang mawawala ang isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Lourdes.
Hindi raw talaga ang nahuli at umaming lalaki ang salarin. Pinaikot lamang daw ng diyanitor ang isip ng lalaki upang umamin at linisin ang pangalan niya sa mga naganap na patayan. Nang hindi na muling nagduda ang mga tao, nagpasya ang matandang diyanitor na kumuha na ng permanenteng mag-aalaga sa kaniya sa pagtanda. Si Miguel nga ang napili. Pinaikot daw ng matandang diyanitor ang isip ng binata hanggang mabaliw. Nagsimula raw ang lahat nang masaksihan ng mga taga-Sagrada kung paano ipinaglaban ni Miguel sa harap ng mga madre ang karapatan ni Juanito bilang orihinal na nagmamay-ari ng lupang kinatatayuan ng Kolehiyo ng Lourdes.
Ngunit usap-usapan lamang ito. Kahit ganito ang mga bintang nila kay Juanito, hindi nila ito mapalayas sa Kolehiyo ng Lourdes. Unang-una sa lahat, wala silang pinanghahawakang katibayan kundi mga sabi-sabi. Ayaw naman nilang usisain ang matandang diyanitor dahil baka matulad pa sila kay Miguel na nabaliw. Sapat na sa kanila, sa Bayan ng Sagrada, ang alamat ukol sa kabaliwan ni Miguel na sila rin mismo ang may gawa.
Ngunit hindi ako naniwala sa kanilang alamat. Hinanap ko ang matandang Juanito upang tanungin tungkol sa tunay na alamat ng kabaliwan ni Miguel. Natagpuan ko siya sa kaniyang paglilinis. Ngunit bago pa man ako makapagtanong, nakita ko na, narinig ko na, ang sagot ng mga mata niyang nangusap na punong-puno ng kalungkutan.
“Ninais ni Miguel ang nangyari sa kaniya.”
“Tiyong Nito, gusto ko pong makita si Sita.”
“Bakit ka sa’kin lumalapit?”
“May alam daw po kayo sa mahika.”
“Sino’ng may sabi sa’yo niyan?”
“Sila.”
“Sinong sila?”
“Kung sino-sino.”
“Hindi pa ba sapat ang mga kuwento ko sa’yo at gusto mo pa siyang makita?”
“Gusto ko lang po siyang makausap.”

Nasa grotto siya noon nang lapitan ni Miguel. Tama sila, paliwanag noon ni Juanito sa binata. Kaya niyang buksan ang mga mata ni Miguel sa mundo ng mga kaluluwa. Ngunit hindi siya makapipili ng nais niyang makita. Ang kabuoan ng mundong ginagalawan ng mga kaluluwa ang masisilayan ng kaniyang mga mata at kadalasang nababaliw ang sinumang makakita dito. Kaya pili lamang ang nakakakita sa mga kaluluwa. Ito ang ikinakatakot ni Juanito.
“Baka hindi mo makayanan ang makikita mo.”
“Hindi ako natatakot!”
“Nagkamali ako. Muli na naman akong nagkamali.”
“Ano an ibig mong sabihin?”
“Pinatay ko na sana sa alaala ko ang alamat ng aking mag-ina.”
Ang alamat ni Sita, ang white lady na sinasabing umaali-aligid sa mga pasilyo ng Kolehiyo ng Lourdes, ang ina ng alamat ng kabaliwan ni Miguel. Sabi ng ibang nakakita, nakasuot daw ng baro’t saya ang white lady. Hindi ito kapani-paniwala, sabi naman ng iba. Sa pagkakaalam nila, nightgown ang suot ng white lady na para bang nagkaroon lamang ng mga ligaw na kaluluwa sa Pilipinas nang iniangkat na sa bansa ang nightgown.
Kaya minsan, inagahan ni Miguel ang pagpasok sa klase upang hanapin si Juanito at tanungin ukol sa mga kuwentong ito. Kung totoo nga ba o hindi, si Juanito ang makaaalam dahil nakatira ito sa kolehiyo nang beinte-kuwatro oras. Imposibleng hindi pa niya nasusumpungan ang white lady kung mayroon man. Hindi nga nagkamali si Miguel. Nakita na ni Juanito ang white lady. Kung minsan sa kaniyang pagwawalis sa bakuran dadaanan na lamang siya nito galing sa likuran. Kung minsan kapag nagtatapon siya ng basura sa likod ng kolehiyo, nagpapakita sa kaniya ang white lady sa pag-alimbukay ng alikabok ng chalk sa hangin. Akala niya minsan namamalik-mata lamang siya dahil kasimputi ng alikabok ang white lady. Ngunit sa paghupa ng alikabok, nananatiling nakapagkit sa hangin ang anyo nito.
Hindi pa nakikita ni Juanito ang mukha ng white lady ngunit alam niyang ito ang kaisa-isang anak niyang namatay na dalaga, si Sita. Nalaman ito ni Juanito sa pamamagitan ng mga kuwento sa kaniya ng mga sinasabing pinagpala ng mga buhay na nunal sa noo o sa likod, mga kilay na nagsasalubong, at mga balahibong parang uli-uli sa likod na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan upang masulyapan man lamang ang mundo ng mga kaluluwa. May sinasambit daw na pangalan ang white lady. Nang sabihin sa kaniyang Fred ang pangalan, nawala ang pandududa niyang ito nga ang kaniyang anak na si Sita. Si Fred ang kasintahan nito. Patay na rin si Fred ngunit hindi pa siguro nagkakatagpo ang mga kaluluwa nila, paliwanag ni Juanito sa sarili kung bakit nagpapakita pa rin sa kaniya si Sita.
Kinausap noon ni Juanito ang naligaw na kaluluwa ng anak. Wala siyang hinto sa pagkukuwento at pakikipag-usap habang nagtatrabaho, nagbabaka-sakaling nasa paligid lamang si Sita at naririnig siya. Minsan sa kaniyang pakikipag-usap, bigla na lamang may dumapong itim na paruparo sa mga labi niya. Nagbibigay noon ng payo si Juanito na patahimikin na sana ni Sita ang sarili nitong kaluluwa. Patay na si Fred. Wala na itong dapat hintayin sa lupa. Napatay si Fred ng mga militar. Magmula noon hindi na muling sinambit ni Juanito ang pagkamatay ni Fred. Paminsan-minsan, binibisita pa rin siya ng itim na paruparo. Bigla na lamang itong dumadapo sa kaniyang balikat at nananatili roon hanggang matapos niya ang kaniyang paglilinis. Minsan naman nakararamdam na lamang siya ng malamig at banayad na hangin na parang pinapaypayan siya. Ang inaalagaan niyang mga rosas sa grotto ay nagmimistulang higanteng pakpak ng paruparo.
“Pa’no siya namatay, Tiyong Nito?”
“Panahon noon ng mga binti at paa.”
Nabubuhay ang lahat ng tao noon nang may malaking pagkakautang sa mga binti at paa nila. Sa mga tinutugis ng kampon ni Marcos sa ilalim ng batas militar, napakahalaga ng mga binti at paa sa pagtakbo at paglukso sa pagligtas sa kanilang buhay. Kailangang matibay ang kalamnan ng kanilang binti nang maging handa sa malayuan at mabilisang pagtakbo sa mga pasikot-sikot na eskinita ng kalunsuran o sa luntiang kasukalan ng kagubatan. Kailangang may mata ang talampakan ng mga paa nila upang matandaan ang bawat uka at bato sa daan at nang malaman kung kailan at kung saan tatalon o iiwas nang hindi madapa at mahuli ng mga humahabol. Sa mga pilit namang mamuhay sa loob ng batas militar, kailangang matatag ang mga binti at paa nang hindi tumakbo sa takot kapag napapalapit ang mga kampon ni Marcos. Katulad ng pag-iwas sa kagat ng aso. Kapag nilapitan daw ng aso, hindi ipinapayong umiwas at tumakbo dahil tiyak na hahabuli’t kakagatin. Kailangang malakas ang loob ng binti at paa sa pananatili sa kinatatayuan nang masiguro ng aso sa paglapit na walang inililihim ang kaniyang pinagbabantaang kagatin.
Natamaan noon si Fred sa binti sa isang engkuwentro ng NPA at militar. Kasapi si Fred ng New People’s Army. Bumisita ang pangkat niya noon sa kabayanan upang mamili ng pagkain at iba pang pangangailangan ng grupo sa pagtatago. Natiktikan sila ng isang informer. Humantong ang habulan sa sementeryong kaharap ng Kolehiyo ng Lourdes. Nagkataong panahon noon ng paglalakad ni Sita sa loob ng sementeryo sa paghahanap sa kaluluwa ng kaniyang ina. Hindi alam ni Juanito noon kung matutuwa siya o malulungkot para kay Sita. Natuwa siya dahil nakatagpo na rin ang kaniyang anak ng mamahalin. Lalampas na sa kalendaryo ang gulang nito dahil sa pagkukulong at paggagala sa sementeryo.
You are currently reading an excerpt. The full text of e.g. issue 5 can be read on the Exploding Galaxies website.
Czar Kristoff J.P.
Artwork by Czar Kristoff J.P.
You are currently viewing an excerpt of Czar Kristoff J.P.’s display. The full display can be viewed on the Exploding Galaxies website.
Interviews
Alvin Yapan
1. What role does the body play in this story—the hands, the feet, and the eyes that repeatedly recur in the storytelling?
It was Christian Jil Benitez who first noticed that a recurring narrative technique across all my fiction is my reliance on the synecdochic character of bodily parts. My second novel, Sambahin ang Katawan, makes this even more explicit. I use these as metonymic links between my characters and the ideas I want to convey. I thought this was an effective tool for readers to understand and, at the same time, feel in their own bodies what the characters were going through.
2. Do you have any personal rituals associated with your writing; what are they?
When I was writing “Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada” and later the novel, Ang Sandali ng mga Mata, I would always have classical music playing in the background. I distinctly remember writing to Vivaldi’s Four Seasons and Beethoven’s Symphony No. 9. It was still cassette tapes back then. And sometimes, whenever I would pause, I would dance to the music just to keep the energy going.
Alvin Yapan is a writer of fiction in Filipino, with works including the historical novel Ang Sandali ng mga Mata (Time of the Eye, 2006) and short story collection Sangkatauhan Sangkahayupan (Humanity Bestiary, 2016), both of which won the Philippine National Book Award. His novel Sambahin ang Katawan (2011) was translated into English by Randy Bustamante and published by Penguin SEA as Worship the Body in 2024. He also recently published his research on folk aesthetics, Ang Bisa ng Pag-uulit sa Katutubong Panitikan (The Efficacy of Repetition in Folk Literature, 2023), which won the Philippine National Book Award for literary criticism and cultural studies. His research interests include the epic genre, folk aesthetics, and literature in the vernacular. He currently teaches Philippine literature at Ateneo de Manila University. He is also a filmmaker.
Christian Benitez
1. What do you think has been lost and what has been gained between these particular Tagalog-English translations?
Sound, with its affective force, is the crucial difference between the Filipino original and the English translation. And yet, I’d like to think that the music of the former was not necessarily lost in the translation, and instead only inevitably transformed. While Yapan’s works, especially Sandali ng Mga Mata (2006) and its earlier version “Mga Alamat sa Bayan ng Sagrada” (1998), are often rooted in specific cultural contexts, they nevertheless remain translatable, often hinging less on particular terms in Filipino than on certain images, which can be rendered in another language. Because of this I feel that there is much to gain, not only for the Philippines but also, perhaps more so, for the world beyond it, in translating Yapan’s work—a wager that is, of course, premised on the commitment to an utmost care for language in the process of translation.
2. Can you tell us a little bit about your personal process within your practice of translation? Do you work on feel and intuition primarily, like a sculptor feeling through a form, or do you rely on certain formal tools to guide you through decisions?
Filipino languages are predominantly onomatopoeic: what words intend to mean is almost always conveyed through their very sound. In Filipino, it is also possible to seamlessly move between different temporalities and frames of thought, as well as to extend a sentence indefinitely, if not ad infinitum. So, when I render a Filipino text to English, I especially take care with the sound of the translation in order to compose music in the latter, which despite not being a close approximation to that of the original, would nevertheless sing on its own. At the same time, I am also careful to heed the sense of order in the English language, as manifested, for example, in verb tenses: almost every time I translate to English, I have to disentangle the contemporaneity of actions in the original Filipino to adapt to the rigidity of time in English. So, as much as I prioritize sound, I also adhere to the sense of order inherent in the English language. Or at least, for now. I still dream, and probably will always dream, of a time when the Anglophone world could be less dismissive, or at least more forgiving, of other forms of English. In, at, on, for instance—everything’s sa in Filipino.
Christian Jil R. Benitez is a Filipino scholar, poet, and translator. He teaches at the Ateneo de Manila University, where he earned his AB-MA in Filipino literature. He finished his PhD in comparative literature at Chulalongkorn University, Thailand. His critical and creative works have been published in various anthologies and journals, including eTropic, Kritika Kultura, and Here was Once the Sea: An Anthology of Southeast Asian Ecowriting. His first book Isang Dalumat ng Panahon (ADMU Press, 2022) received the Philippine National Book Award for literary criticism and cultural studies. His translation of Jaya Jacobo’s Arasahas: Poems from the Tropics (PAWA Press and Paloma Press, 2024) was a finalist in the 37th Lambda Literary Awards for transgender poetry. Most recently, he was among the winners of the inaugural PEN Presents x International Booker Prize for his translation of Alvin Yapan’s Time of the Eye.
Czar Kristoff J.P.
1. How does the concept of translation figure in your practice? I am thinking, for example, of your use of low-fidelity printing methods, which makes clear the physical marks of conversion/transmission.
Timelines have always been illustrated as horizontal, but in reality, timelines consist of multitudes of lines, dots, dashes, curves, and clouds. Throughout our history, a lot of stories from the margins (where I am originally from) have been omitted, destroyed, altered, and forgotten due to the wrath of nature and by the most violent yet the most preventable man-made “calamities” such as colonialism, imperialism, capitalism.
In my practice, I try to understand and make sense of these routes. The monuments of transitions and rerouting, such as footnotes, gestures, movements, feelings, friendships, hymns, cries, questions that arise in between point A to point/s B to Z, become guides in navigating this route, which I think are important to be archived, distributed, to be talked about in public spaces—to give light, to heal wounds.
The ums and pauses whenever we try to speak in English are often seen as a weakness, as imperfections by many. Translation takes a lot of labor and as I become older, I realize that translations will never be perfect, are not meant to be perfect. Clarity doesn’t always quantify the truth. Sometimes, it is the blurred grains and the unstructured that ground us and reveal the depths of history.
2. How does Bicol, or Laguna, or your sense of home feature in these works?
When I received the email, I was actually on the bus on my way home to Laguna. I read the text immediately—first the original version then the English translation. I highlighted some phrases that I find moving such as “. . . sa hanging walang sinumang nagtatangkang sumagap,” “Iniipon niya ang mga tuyong dahon sa bakuran ng kolehiyo, saka sinisigaan,” “. . . talahib na walang tigil sa pagyuko’t pagsamba. . . ,” “. . . nilalanguyan ng mga isdang napakagagara ng palikpik at napakatitingkad ng kulay ngunit hindi naman napakikinabangan bilang pagkain,” “. . . felt numbed the pain when he moved his hands toward the flame,” “Until he tripped and fell into a puddle of mud where carabaos bathed,” “For the first time, the sunrise didn’t promise hope but death.”
While reading the text, I thought of my hometowns in Bicol/Camarines Sur, where I was born and raised, and in Laguna, where I spent my late teens and early adulthood. There are some parts that seem familiar, not only how the landscapes were described, but the anguish of every character—some kind of power to reshape or create new planes, as a way of survival.
The selection of images was photographed in 2016, 2017, and 2025, in various places such as Laguna, Cavite, Camarines Sur, and Muntinlupa City. Images of accidents, excursions, ruins, and markings.












